-- Advertisements --

Nagsalita na ang talent manager at host na si Ogie Diaz ukol sa kasong cyberlibel na isinampa ng actress na si Bea Alonzo.

Sa social media account nito, sinabi ni Diaz na kanilang sasagutin ang kaso at ayaw na muna niyang magpakaplastic.

Hangad pa rin ng host na magkatuluyan na ng actress ang dating nobyo na si Dominic Roque.

Magugunitang nagsampa ng kasong cyberlibel ang actress sa Quezon City laban kay Diaz at isa pang host na si Cristy Fermin dahil sa nakakasirang pahayag.

Ayon sa abogado ng actress na si Atty. Joey Garcia na may nakapanayam ang mga host na sinisiraan ang actress.

Hindi na rin binanggit ng abogado kung sino ang sinasabing nakapanayam ng mga host.