-- Advertisements --

Matagumpay na nadepensahan ni Takuma Inoue ang kanyang WBA world bantamweight sa unang pagkakataon kasunod ng pagtigil sa ikasiyam na round laban kay Jerwin Ancajas sa Ryogoku Kokugikan sa Tokyo, Japan.

Isang malakas na kanang uppercut sa tiyan ni Ancajas ang nagpatumba sa kanya sa nalalabing 44 segundo
sa ikasiyam na round.

Ginamit ni Takuma ang kanyang speed at power laban sa mas may karanasan na si Ancajas, na dating world champion.

Samantala, bumaba si Ancajas, 32, sa 34-4-2 (win-loss-draw) record na may 23 knockouts.