-- Advertisements --
Sinulatan ni Taiwan President Tsai Ing-wen si Pope Francis na sumasang-ayon sa panawagan nito na hindi sagot ang giyera sa pagitan nila ng China.
Ayon kay Taiwan President na matatapos lamang ang tensiyon sa pagitan nila ng China kapag irespeto nila ang kalayaan at soberanya ng mamamayan ng Taiwan.
Iginiit pa ni Tsai na hindi kailanman nais ng Taiwan na magkaroon ng giyera laban sa China.
Magugunitang ipinagpipilitan pa rin ng China na bahagi pa rin ng kanilang bansa ang Taiwan.










