-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Ginulantang ng pagsabog ang tahanan ng isang retiradong pulis sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Christopher Panapan na hinagisan ng granada ang tahanan ni Datu Faisal Mamasabulod sa Barangay Layog Pagalungan Maguindanao.

Agad namang tumakas ang tatlong suspek na pawang naka-bonnet sakay ng motorsiklo.

Walang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa pamilya ni Mamasabulod at mga kapitbahay.

Nabasag rin ang salaming bintana sa pamamahay ng retiradong pulis na si Mamasabulod.

Bago lang ay pinasabugan rin ng M79 grenade launcher ang pamamahay ni Pagalungan Administrator Datu Zainudin Mamasabulod sa Sitio Tangila ng Barangay Poblacion sa bayan ng Pagalungan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pagalungan PNP sa naturang pangyayari.