-- Advertisements --
cabinet meeting oct 25

Ipinagmalaki ngayon ng Malacañang na nasa 11 government agencies ang nakapagbahagi na ng kanilang ket accomplishment sa isinagawang ika-13 cabinet meeting.

Sa meeting na isinagawa sa Malacañan Palace State Dining Room, nasa 11 Cabinet members ang nagprisinta ng kanilang mga accomplishments sa kanilang mga ahensiya.

Ayon kay Daphne Oseña-Paez, ang bagong talagang Malacañang press briefer, kabilang daw sa mga present ay sina Secretaries Benjamin Diokno (Finance), Arsenio Balisacan (Socioeconomic Planning), Amenah Pangandaman (Budget), Alfredo Pascual (Trade), Christina Frasco (Tourism), Ivan John Uy (Information and Communications Technology), Manuel Bonoan (Public Works), Jaime Bautista (Transportation), Jose Rizalino Acuzar (Human Settlement) at Enrique Manalo (Foreign Affairs).

Sinabi ni Oseña-Paez present din umano dito si Undersecretary Jose Faustino Jr., ang officer-in-charge ng Department of National Defense.

Tinalakay na rin umano sa pagpupulong ang mga ipatutupad na programa ng iba’t ibang ahensiya sa taong 2023.

Sa loob ng anim na buwan, nakita raw na marami nang nagawa ang administrasyon at malawak pa ang mga programa na magpapabuti sa ekonomiya at sa buhay ng mga Pilipino.

Samantala, ang susunod daw na Cabinet meeting ay isasagawa na sa Enero 2023 para mabigyan ng pagkakataon ang ilang miyembro ng gabinete na magprisinta rin ng kanilang key accomplishments at plano para sa susunod na taon.

Sinabi naman ni Undersecretary Cheloy Garafil, officer-in-charge ng Office of the Press Secretary sa isang statement na nagpahayag daw si Pangulong Marcos ng kagalakan sa naturang Cabinet meeting dahil sa accomplishments ng iba’t ibang departmento para sa ikalawang half ng 2022.

Pero sa kabila nito, marami pa raw trabaho na kailangang isakatuparan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Dagdag ni Garafil, sinabi din daw ni Pangulong Marcos sa mga cabinet secretaries na samantalahin ang Christmas holidays para makapagpahinga at maghanda na naman sa labanan sa susunod na taon o ang public service.