-- Advertisements --
338P473 highres

Inihayag ng Syrian state-run news agency na nagsagawa ng airstrike ang Israel sa mga paliparan ng Aleppo at Damascus kaninang umaga, na nagresulta naman sa pagkasira ng mga runway at pagtigil ng serbisyo ng mga naturang paliparan.

Sa Damascus strike, isang manggagawang sibilyan ang napatay at isa pa ang nasugatan.

Ang Aleppo International Airport ay tinarget umano ng Israel noong Oktubre 14 at Oktubre 12, habang ang Damascus International Airport ay tinamaan lamang umano noong ika-12.

Ang parehong mga paliparan ay ilang beses na raw na inatake sa nakalipas na taon, dahil pinaniniwalaan na ang Israel ay nagsusumikap na pigilan ang pagpapadala ng mga advanced na armas mula sa Iran sa iba’t ibang Middle East proxies nito.

Bihira namang magkomento ang Israel sa mga pag-atake na ginagawa nito sa Syria, pero matatandaan na paulit-ulit nitong iginiit na hindi nito papayagan ang pangunahing kaaway nitong Iran, na sumusuporta sa gobyerno ni Pangulong Bashar al-Assad, na palawakin ang presensya nito doon.