-- Advertisements --

Nabili sa isang auction sa New York ang sweater ng namayapang si Princess Diana sa halagang $1.14 milyon.

Ayon sa Sotheby’s auction sa New York ng simulan ang bidding noong Agosto 31, ay agad na pumalo ito ng $200,000 hanggang sa matapos ang ilang araw na bidding at naabot ang ganun na presyo.

Hindi na ipinakilala pa sa publiko ng auction house ang nanalo sa nasabing bidding.

Sa una ay inakala ng auction house na mabibili lamang ang “sheep jumper: ng hanggang $80,000.

Ang isang sweater naman ni Princess Diana ay naibenta sa reality star na si Kim Kardashian sa halagang $203,000.

Habang ang sasakyan ni Princess Diana na kaniyang sinakyan noong naaksidente na isang Ford Escort ay nabili sa halagan $806,000.