-- Advertisements --
sabong 2

Nahaharap din sa reklamo ang isa sa mga suspek sa likod ng pagkawala ng ilang mahilig sa sabong o “sabungero” sa tangkang pagpatay at kidnapping na isinampa ng isang pamilyang Dumagat sa Tanay, Rizal noong taong 2019.

Sinabi umano ng complainant na binaril siya ng suspek na si Julie Patidongan o “Dondon” gayundin ang kanyang ama sa magkahiwalay na insidente dahil sa alitan sa lupa

Ayon sa complainant, nagsampa sila ng reklamo sa Binangonan, Rizal, ngunit wala pang progress dito.

Sinabi ng complainant na dati siyang nagtrabaho sa Patidongan building fences, ngunit tumigil siya nang sinubukan umanong agawin ng suspek ang ari-arian ng kanilang pamilya.

Kamakailan lamang, ay naglabas ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng composite sketches ng dalawang suspek, kabilang si Patidongan, sa pagkawala ng isang sabungero doo sa Laguna.

Nakuha ng Criminal Investigation and Detection Group ang cellphone video kung saan nakita ang dalawang suspek at si Michael Bautista, isa sa mga biktima, sa labas ng isang sabong sa Santa Cruz noong April 28, 2021.

Kaya naman, isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng isa pang suspek sa naturang cellphone video.

Una rito, marami pang reklamo ang isinampa laban kay Patidongan at sa kanyang kasama kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero.