Humaharap sa kasong estafa ang isang babae matapos mahuli ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa investment fraud.
Ayon kay NBI Director Eric Distor ang subject ay si Mary Ann Tee Hernandez na nahuli sa Kawit, Cavite.
Nag-ugat daw ang reklamo sa na inihain ng mag-asawang bikitma laban sa suspek dahil sa umano’y investment scam.
Patuloy daw ang panloloko ng suspek sa kanyang mga nabibiktima sa pamamagitan ng pag-solicit ng cash para sa investment sa kanyang non-existent business.
Nagpakilala daw ang suspek noong 2019 na nagmamay-ari ng Frontier Freight Forwarders (Frontier) kaya naglagak din ng investment ang mga biktima.
Ang naturang negosyo kasi ay legitimate at anim na taon nang nag-o-operate sa Pasay City na mayroong serbisyo gaya nang imports at exports at nag-aayos ng freights para sa mga shippers at importers.
Nagbibigay daw ito ng dalawang pursiyento ng interest sa pondo na kanyang natatanggap.
Noong February 09, 2019, nagkita ang complainant at ang subject para pag-usapan ang naturang investment.
Dahil dito, nag-invest daw ang biktima ng tumataginting na P16,282,631 noong Abril 2022.
Kapag isasaman naman ang hindi nabayarang interests para sa taong 2022 na ipinangako ng subject ay papalo na ito sa P17,837,418.
Nagbigay naman daw ng return on investment ang subject noong April 2020 pero hindi na naging regular ang pagbabayad nito sa mga sumunod na buwan.