-- Advertisements --

Hindi muna makakaboto ang mga Democrats sa New York para sa dadating na presidential election ngayong taon matapos kanselahin ang bawat Democrat maliban kay dating US Vice President Joe Biden.

Ayon sa mga naglabasang reports, nakatanggap umano si Douglas Kellner, co-chair ng New York State Board of Elections, ng libo-libong emails mula sa mga taga-suporta ni Sanders na hinihikayat itong ipagpatuloy ang primary voting.

Nakatakda sanang isagawa ang primary election sa Abril 28 ngunit inilipat ito sa Hunyo 23 dahil sa coronavirus outbreak.

Magpapatuloy naman ang botohan sa New York para sa congressional at state-level races sa Hunyo 23.

Dahil sa naturang kanselasyon ay mas mapapabilis para sa mga election workers na pangasiwaan ang state elections sa Hunyo.