Nagkukulang ang production ng baboy sa rehiyon dos sanhi para manatiling mataas ang presyo ng karne ng baboy.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA region 2 na halos namatay ang lahat ng breeder ng mga alagang baboy dahil sa African Swine Fever o ASF kayat nagkukulang ang supply sa rehiyon.
Ayon kay Regoinal Executive Director Edillo na kinakailangang ibalik ang mga nanganganak na baboy sa rehiyon dos.
Sa ngayon ay takot pa rin ang mga hog raisers na mag-alaga ng mga baboy dahil mayroon pa ring banta ng ASF sa rehiyon dos.
Wala pa rin anyang bakuna kontra ASF kayat takot ang ilan na mag-alaga ng baboy..
Ito ay bukod pa sa mataas na presyo ng feeds dahil sa pagtaas ng mga produktong petrolyo.
Sa ngayon ay aabot sa Php330.00-Php350.00 ang kada kilo ng karne ng baboy.