Patuloy na binabantayan ng state weather agency ang Super Typhoon Sinlaku (2604) na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ito sa layong 2,430 kilometro silangan ng Visayas, taglay ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 215 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na hanggang 265 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras. Bagama’t wala pa itong direktang epekto sa bansa, mahigpit na binabantayan ang galaw nito dahil sa lakas na taglay.
Samantala, nananatiling nakakaapekto ang ridge ng High Pressure Area (HPA) sa hilagang Luzon, na nagdudulot ng mainit at maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng bansa.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at patuloy na mag-monitor ng mga abiso mula sa state weather agency.
















