-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Martes, Marso 24 ang nangyaring sunog sa kanilang barko na BRP Cape Engano na nakadaong sa Puerto Princesa International Cruise Ship Port sa Palawan.

Sa isang statement, iniulat ng PCG na umaga nitong Lunes nang ma-detect ng crew ng barko ang usok na nagmumula sa bosun’s store.

Agad na ipinag-utos ng Commanding Officer ang fire alarm at pag-apula nito.

Sa kabutihang palad, ligtas ang lahat ng crew na sakay nito at walang napaulat na nasawi o nasugatan sa insidente.

Idineklarang naapula ang sunog bandang alas-sais trenta ng umaga sa tulong ng Coast Guard District Palawan at Bureau of Fire Protection Palawan.

Batay sa isinagawang follow-up assessment, nakumpirmang nag-ugat ang sunog sa laundry area.