-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Kinondina ni Gensan Mayor Ronnel Rivera ang sunod-sunod na pamamaril ng mga motor riding criminal na ikinamatay nga tatlong biktima sa loob lamang ng dalawang araw.

Sinabi sa Bombo Radyo ni City Counciloe Jose Edmar Yumang, Peace and Order committee chairman sa Sanggunian Panglungsod na pinatawag ni Mayor Rivera si Col. Aden Lagradante ang hepe ng Pulisya nitong lungsod para bigyan linaw ang tatlong pagpamaril dito.

Kagabi patay sa pamamaril ang mag-amang Anthony Angin 59 at anak nitong si Michael Angin 35 kapwa residente ng Purok Sta Teresita, San Isidro nitong lungsod na pinagbabaril ng 4 na suspek.

Dagdag ni Yumang na nakakalarma na ang mga pangyayari dahil hindi na gumagamit pa ng helmet at mask ang mga suspek at harapan na itong namamaril.

Nalaman na ang biktima na si Anthony ang bodyguard ng Barangay Kapitan Jeprox Yumang habang si Michael ang bagong graduate sa drug rehabilitation dito sa lungsod.

Ayon kay Yumang na nagkausak si Anthony at ang suspek ng bigla itong bumunot ng baril at binaril si Michael kayat kinoberan ng Ama ang anak kayat nadamay.

Pinagdudahang target ng mga suspek ang anak ng biktima na tinamaan ng 13 beses na nagresulta sa pagkamatay ng mag-amang biktima.

Nalaman na nagdaang araw binaril patay ng 2 suspek si Barangay Kagawad Omar Mamalumpong habang sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo.