-- Advertisements --
Beirut blast

Aabot na sa 24 ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasugatan sa malakas pa pagsabog sa Beirut, Lebanon kahapon.

Sa tweet ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay sinabi nitong base na rin sa Philippine Embassy sa Beirut, karamihan sa mga sugatang OFWs ay household service workers.

Maliban sa isang kritikal, lahat ng mga injured ay nasa mabuti na umanong kalagayan.

Patuloy pa rin namang hinahanap ang isang OFW na nawawala.

Samantala, ang 11 Pinoy seafarers na napaulat na nawawala ay ligtas na ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Una nang sinabi ni Lebanese Prime Minister Hassan Diab na ang pagsabog ay nag-ugat sa 2,750 tons ng agricultural fertilizer ammonium nitrate na nakalagay as portside warehouse ng ilang taon.