-- Advertisements --

Inihayag ng DOH na dapat mawala na ang stigma sa HIV na pumipigil SA mga tinamaan nito upang maging bukas at maipagamot ang naturang karamdaman.

Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa na iba na ngayon ang panahon gayung magagawa Ng kontrolin ang Level ng virus sa katawan Ng isang HIV positive at maalis ang maling nosyon ukol dito Ng publiko.

Sinabi bi Herbosa, hindi na maituturing na death sentence pa ang HIV sa panahon ngayon at ang Kailangan lang ay kumonsulta para magpa-test at inumin ang maintenance na anti-retroviral.

Libre Ito ani Herbosa na maaaring makuha SA San Lazaro Hospital at maaaring makakuha ng tatlong buwan na suplay.

“ Kaya ko minention iyong paragraph na iyon kasi napansin ko, tumataas iyong HIV kasi mataas pa rin ang stigma sa atin. In fact, iyong isa naming … mayroon kaming mga HIV partners, iyong taga-Switzerland, ‘di ba iyong mga … mayroong isa, taga-Switzerland, Mr. Philippines siya. So, nagulat siya na dito, parang malaki pa ang stigma whereas in Switzerland daw, sila lahat ay alam nila ang status ng mga ka-partner nila at very open ang testing – everybody gets tested. Dito parang nandoon pa tayo sa 1980s na parang tinatago iyong HIV. Eh alam ninyo naman lahat ng celebrity na nagsabi na HIV positive sila pero buhay pa rin sila; celebrity pa rin sila; hindi sila namamatay. So, iyon iyong ibig sabihin ko na dapat siguro mawala na iyong stigma sa HIV,” pahayag ni Sec. Herbosa.