Nagpapatuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad matapos ang nangyaring aksidente kaninang umaga, Agosto 27, kung saan nahulog patay ang isang steel man na nagtatrabaho sa Cebu Cordova Link Expressway o CCLEX.
Nakilala ang nasawi na si Jonas Batistis, 34 anyos at residente ng Barangay T. Padilla nitong lungsod ng Cebu.
Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, nangyari ang aksidente sa ilalim ng CCLEX bridge na sakop na ng Barangay Pilipog, Cordova, Cebu.
Ayon pa sa nakasaksi at katrabaho ng biktima na si Rolito Ducalang, nadulas pa umano ang biktima kaya nahulog at nagresulta sa kanyang pagkamatay.
Naglabas naman ng pahayag ang Cebu Cordova Link Expressway Corporation (CCLEC) at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng nasawi,”
“We are still looking into the incident this morning. We have asked our contractor – the Cebu Link Joint Venture – for an update on the tragic incident. We will share with you updates as soon as we get them. Our thoughts are with the family of the worker. We express our deep condolences and we ask everyone to join us in prayers for his rest and for comfort to his family,” saad sa inilabas na opisyal na pahayag ng CCLEC.