-- Advertisements --

Pinatawan ng National Basketball Association (NBA) ang San Antonio Spurs ng multa na umaabot sa $25,000 dahil sa paglabag sa polisiya ukol sa isyu sa pagpapahinga sa mga players.

Una rito, pinagpahinga ng Spurs ang mga guards na sina DeMar DeRozan, Patty Mills at center Jakob Poeltl matapos ang panalo nila sa Suns, 111-106.

Bago ito natalo naman sila sa laro laban sa Blazers nitong nakalipas na Sabado.

Hindi naman idinetalye ng NBA ang mga kadahilanan liban sa pagsasabing nabigo raw na mai-report ng Spurs ang isyu sa pagpapahinga gayundin sa injury reporting sa mga players.

“Failing to comply with league policies governing player rest and injury reporting,” bahagi ng NBA statement.

Ang anunsiyo ng NBA ay kasabay din naman nang parusa laban sa Raptors bunsod ng kahalintulad ding mga paglabag.

Sinasabing may kaugnayan ito sa pagpahinga ng Raptors kina Kyle Lowry at Pascal Siakam sa laro nitong nakalipas na Sabado kontra sa Orlando Magic.