-- Advertisements --

Kinumpirma ni Presidential Sposkeman Harry Roque na nakasama nito sa isang okasyon si Public Works Sec. Mark Villar na positibo sa COVID-19.

Sinabi ni Sec. Roque, magkasama sila ni Sec. Villar sa isinagawang contract signing at ground breaking ceremony ng CAVITEX Segment 2 and 3A noong July 11, araw ng Biyernes.

Ayon kay Sec. Roque, sumailalim na siya sa swab test at naghihintay na lamang ng resulta.

Maliban kay Sec. Villar, ilan pa sa mga miyembro ng gabinete na dati ng tinamaan ng COVID-19 ay sina Education Sec. Leonor Briones, Interior Sec. Eduardo Año habang naka-quarantine na si Defense Sec. Delfin Lorenzana matapos na magpositibo ang isa niyang staff.