-- Advertisements --

Nakatakdang muling sasalang sa PCR o swab test si Presidential Spokesman Harry Roque na ngayon ay naka-self quarantine.

Kasunod ito ng pag-positibo ng isa sa kanyang mga security details na sumalang sa COVID-19 test kamakailan lamang.

Pero bago ang pagpapa-swab test ni Sec. Roque bukas, una nang sinabi nito kahapon na magpapa-antigen siya.

Gayunpaman, wala pang impornasyong inilalabas si Sec. Roque kaugnay sa naging resulta ng antigen test niya.

Sa kanyang regular briefing nitong Lunes, inianunsiyo ni Sec. Roque ang kanyang pagsi-self isolation kung saan saan sa bahay na rin nito isinagawa ang virtual press briefing.

“Okay naman po. Actually, noong kaninang nagpa-test kami ay para sa pagpupulong kay Presidente ngayong gabi iyon. So, kapag ako nagpapa-test isinasama ko na rin iyong dalawa kong kasamang security ‘no. So, itong pagkakataon na ito isa sa kanila nag-test positive. Pero maraming tumatawag sa akin ngayon kasi nagpunta nga kami sa Pasay nang Sabado para sa doon sa CODE event sa Pasay, huwag kayong mag-alala kasi iyong nag-test po ng positive hindi po pumasok ng city hall, doon lang po siya sa kotse,” ani Sec. Roque.