-- Advertisements --
Walang nakikitang dahilan ang Malacañang para madaliin ang pagpasa ng Bayanihan to Heal As One Act 2 sa gitna ng patuloy na problema ng COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, may resources pa namang magagamit ang pamahalaan para tugunan ang pangangailangan na may kinalaman sa pandemic.
Ayon kay Sec. Roque, hindi na rin dapat pang magkaroon ng special session ang Kongreso para sa panukalang batas.
Tiwala si Sec. Roque na maipapasa ang Bayanihan Act 2 sa regular session sa Kongreso.
















