-- Advertisements --

Nangako si House Speaker Martin Romualdez na tutulungan nito ang nasa 12,000 na magsasaka ng tubo sa Nasugbu, Batangas na naapektuhan ng pagsasara ng Central Azucarera Don Pedro Inc. o CADPI.

Sa ginanap na pulong sa office of the House Speaker, masusing pinakinggan ni Speaker Martin Romualdez ang hinaing ng mga sugarcane farm workers sa pangunguna nina Sugar Folks Unity for Genuine Agricultural Reform Spokesman Christian Bearo, Pagkakaisa ng mga Manggagawang Bukid sa Tubuhan o Pamatu Batangas First District President Nasiancino “Sonny” Roxas, at iba pa.

Batid at Kinikilala ng House Speaker ang kahalagahan ng mga ginagampanang tungkulin ng mga magsasaka sa bansa.

Kailangan aniyang masiguro ang kanilang kapakanan upang matiyak ang ating food security.

Ipinunto ni Speaker na Nararapat lamang na mapabuti ang kalagayan ng ating mga magsasaka sa tubuhan nang sa gayun mapanatili ang sapat na suplay ng asukal.

Pinasalamatan naman ng House Leadership ang tila walang kapaguran at walang humpay na pagtatrabaho ng ating mga magsasaka.

Tinawagan naman ni Speaker sa telepono si Batangas Gov. Hermilando Mandanas at Batangas Rep. Eric Buhain para talakayin ang posibleng solusyon sa problema ng mga magsasaka.