-- Advertisements --
Nagpasalamat si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida na nagtalumpati sa joint session ng Kongreso nitong Sabado.
Sinabi ng lider ng Kamara na sa diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan, ipinaaabot nito ang kanilang taos-pusong pagpapahalaga sa kanyang kamahalan, Punong Ministro Kishida Fumio.
Sa kanyang talumpati, binigyan-diin ng Japanese Prime Minister ang kahalagahan ng pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at Japan.
Nangako rin ito na patuloy na susuportahan ang pag-unlad ng Pilipinas.