-- Advertisements --

SPEAKER Romualdez

Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Miyerkules ang administrasyong Marcos sa pagsusumikap nito na masiguro ang ligtas na pagpapalaya kay Noralyn Babadilla mula sa pagkakabihag dito sa kaguluhan sa Middle East.

Pinasalamatan din niya ang pamahalaan ng Israeli, Egypt, at Qatar para sa kanilang malaking papel para maisakatuparan ang pagpapalaya kay Babadilla.

Si Babadilla at ang caregiver na si Gelienor “Jimmy” Pacheco ay dinukot ng grupong Hamas noong Oktubre 7. Si Pacheco ay pinalaya noong nakaraang linggo habang si Babadilla ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Israel na.

Kapwa pinalaya ang dalawang Pilipino kasunod ng tigil-putukan ng Israel at Hamas.

Si Pacheco, 49-anyos at tubong Ilocos Norte ay kasalukuyang nananatili sa isang hotel at inaasahang makakabalik sa Maynila bago mag-Pasko, ayon sa embahada ng Pilipinas sa Tel-Aviv.