Ikinalungkot ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagpanaw ni Sec. Susan “Toots” Ople ng Department of Migrant Workers.
Sinabi ni Speaker Romualdez na nakilala si Ople sa kanyang masigasig na pagtataguyod sa kapakanan ng mga manggagawa kaya kinikilala ito hindi lamang ng mga labor group sa bansa kundi maging sa ibang bansa.
Ayon sa lider ng Kamara, matapos pumanaw ang ama ni Toots Ople ay ipinagpatuloy nito ang pagtulong sa mga overseas Filipino worker at mga manggagawa sa bansa sa pamamagitan ng Blas F. Ople Center, ang tanggapan na itinayo ng kanyang tatay.
Ayon pa kay speaker nawalan ng great and tireless champion ang mga migrant workers.
Ipinapaabot naman ni Speaker ang kanilang taos pusong pakikiramay at kanilang panalangin sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Secretary Toots Ople.