-- Advertisements --

Tiniyak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na magiging mas transparent, may pananagutan, at nakatuon sa pangangailangan ng mamamayan ang pagtalakay ng Kamara sa panukalang P7.2 trilyong 2027 National Budget.

Ayon kay Dy, ipagpapatuloy ng Kamara ang mga repormang ipinatupad noong nakaraang budget deliberations, kabilang ang mas mahigpit na transparency at security measures upang matiyak ang integridad ng panukalang badyet.

Sinabi rin niyang makatutulong ang bagong inilunsad na LegisHear sa pagbuo ng budget dahil magbibigay ito ng pagkakataon sa mga komunidad na maiparating ang kanilang mga prayoridad bago tuluyang aprubahan ang pondo para sa 2027.

“Sa tingin ko, lalo pa nating bibigyan ng mahahalagang security measures upang matiyak na ang ating ipapasa na 2027 budget ay talagang maayos,” pahayag ni Speaker Dy.