-- Advertisements --
Nagbigay ng testimonya sa korte si Spanish football star Jennifer Hermoso laban sa dating coach ng koponan na si Luis Rubiales.
Sinuri ni Madrid Judge Francisco de Jorge ang mga ebidensiya na inihain sa korte para madetermina kung ito ay isasalang na sa pagdinig.
Iginiit ng abogado ni Hermoso na ang nangyaring paghalik ni Rubiales ay hindi inaasahan at walang paalam.
Magugunitang nagulat ang lahat ng biglang hinalikan sa labi ni Rubiales si Hermoso ng magkampeon ang Spain sa 2023 Women’s World Cup.
Dahil sa pangyayari ay nagbitiw si Rubiales bilang pangulo ng Spanish Football Federation.
Nahaharap ng dalawang kaso si Rubiales dahil sa sexual assault at coercion na ipinipilit na ang paghahalik ay kagustuhan din ni Hermoso.