-- Advertisements --
Carlic Jones

Nananatili pa rin si South Sudan at Chicago Bulls Guard Carlic Jones na may pinakamaraming assists na nagawa sa FIBA World Cup 2023.

Ito ay sa kabila ng ilang araw nang pagkakatanggal ng South Sudan sa elimination games ng FIBA.

As of September 7, 2023, hawak ni Jones ang 52 asissts. Ito ang pinakamaraming nagawang asissts ng isang player na naglalaro sa FIBA 2023.

Sa naging laro ni Jones sa kabuuan ng kampanya ng South Sudan sa FIBA, kumamada siya ng 10.4 APG, habang nagpapasok ng 20.4PPG.

Pangalawa sa kanya si Stefan Jovic ng Serbia. Hawak ni Jovic ang kabuuang 40 asissts.

Pangatlo ay si Dallas Mavericks at Team Slovenia point guard Luka Doncic na may 39 points.

Magpapatuloy naman ang pag-track ng FIBA sa mga asissts ng mga players hanggang sa matapos ang FIBA Finals.