-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagtutulungan na ang lahat kabilang na ang mga celebritiy sa South Korea sa layuning masugpo ang banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID019) sa naturang bansa.

Ayon kay Elizabeth Dulay, Pinay na naninirahan na sa Gwangju, South Korea, nag-aambagan na aniya ang mga big time at small time celebrities ng malalaking halaga ng pera upang ilaan sa mga taong nahawaan ng sakit maging sa pamahalaan.

Dagdag pa nito sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal, all-out din ang kanilang pagbibigay ng mga face mask at pinapalakas ang loob ng mga nurse na nasa frontline ng krisis.

Kabilang sa mga nag-donate ng 100 million won ay ang aktres na si Yum Jung-ah, actress-turned-singer na si Yoona, at ang K-pop band na Red Velvet.

Habang ang TV personality na si Park Myoongsu ay nag-donate ng 20,000 face mask sa Daegu Metropolitan Government.

Ang aktres na si Park Shin-hye ay nagbigay ng 50 million won, habang 200 million won naman mula sa aktor na si Kim Hee-sun.