-- Advertisements --

Nagkausap ngayong araw sina Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. at US Secretary of State Michael Pompeo kung saan tinalakay ang mainit na usapin sa South China issue.

Dito pinagtibay umano ng dalawang bansa ang matatag na alyansa sa gitna ng pinalakas na military presence ng Beijing sa mga pinagtatalunang isla.

Sa tawag ni Pompeo kay Sec. Locsin, pinag-usapan ng dalawa ang pagbabago kamakailan lang sa polisiya ng US kaugnay sa maritime claims sa South China Sea at suporta ng US sa posisyon ng mga Southeast Asian countries na pagtaguyod ng kani-kanilang sovereign rights at interests alinsunod sa international law.”

Pinag-usapan din umano ang mga oportunidad para palakasin pa ang US-Philippine maritime cooperation sa kabila ng pagbabawal na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa partisipasyon ng Pilipinas sa anumang military exercises sa South China Sea.

Una rito, noong Miyerkules, isinagawa ang 33rd ASEAN-US Dialogue via videoconference kung saan nagpalitan ng pananaw ang mga ASEAN Senior Officials at ni United States Assistant Secretary for East Asian and Pacific Affairs, David R. Stilwell sa mga regional concerns.

Dito iginiit ng mga opisyal ang ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan, katatagan at seguridad sa South China Sea.