-- Advertisements --

Pumirma ng isang taon na kontrata sa Barangay Ginebra si Sonny Estil bilang first round pick ng PBA Rookie Draft.

Kasama nito ang manager niya na si Danny Espiritu na pumirma ng kontrata kina team manager Rayboy Rodriguez.

Naganap ang pirmahan matapos na pumayag ang Pampanga Lanterns na siyang kasalukuyang koponan ni Estil sa MPBL.

Isinilang sa Agusan del Sur, ay nagwagi na siya ng Most Valuable Player sa Combine mini-tournament.