Naniniwala si Supreme Court (SC) Chief Justice Lucas Bersamin na muling nagpakatotoo si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA).
Isinalarawan pa ni Bersamin na “superb” o mahusay ang talumpati ng Pangulong Duterte na tumagal ng isang oras at 33 minuto.
Gaya ng dati naging matapang, prangka at straight forward daw ang Pangulo sa kanyang binitawang mga salita at kabisado nito ang isyu ng sambayanan.
Para sa chief justice, wala siyang nakikitang kulang sa speech ng punong ehekutibo at bumilib din ito sa preparasyon ng pangulo na nagsagawa pa ng rehearsals.
Una rito, sinabi ni Bersamin na malamang ay ito na ang pinakahuli niyang pagdalo sa SONA bilang punong mahistrado dahil magreretiro na ito sa buwan ng Oktubre ngayong taon.