-- Advertisements --

Hinimok ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang Department of Education (DepEd) na tugunan ang problema ng mga magulang at estudyante sa planong blended learning scheme para sa nalalapit na pasukan.

Base kasi sa survey na isinagawa ng DepEd noong kasagsagan ng enrollment sa mga public schools na nagtapos noong Hulyo 15, lumalabas na 6.9 million magulang at guardians na hamon para sa kanila ang pagkakaroon ng stable na mobile/internet connection bukod pa sa kulang ang magagamit na gadgets at equipments sa pag-aaral ng kanilang anak sa ilalim ng distacne education.

Ayon kay Castro, makikita sa resulta ng naturang survey na hindi akma at marami pang problema na kinakaharap at kakaharapin ng mga guro, magulang at estudyante sa blended learning scheme ng DepEd.

Napakalimitado aniya ang mabibigyan ng access sa kalidad na edikasyon sa ipinipilit ng DepEd na mode of learning.

Sinabi ni Castro na anti-poor ang planong ito ng DepEd dahil maraming mahihirap na mga estudyante ang mapag-iiwanan, na kalaunan ay maaring magresulta sa ilang milyong out-of-school youth.

Kaya kailangan aniya na maglahad ng DepEd ng kongkretong plano at maglaan ng sapat na budget para sa ligtas at kalidad na balik-eskuwela para sa lahat.