Nagbigay babala si Department of Justice Secretary Fredderick Vida sa pubiko partikular sa mga indibidwal na tumutulong sa pagtatago ni Sen. Bato Dela Rosa.
Mariing binalaan ng kalihim ang mga mabibistong nagbibigay proteksyon sa mambabatas na may kahaharapin pananagutan sa ilalim ng batas.
Aniya’y mananagot ang mga pumuprotekta sa senador at tumutulong para takasan ang umiiral na arrest warrant mula sa International Criminal Court.
Kasunod ang pahayag nang kilalanin ang naturang warrant bilang ‘valid’ at atasan ang mga awtoridad na tuluyan arestuhin ang mambabatas.
Subalit sa kabila umano ng pagpapatupad ng pag-aresto, kanilang titiyakin raw na rerespetuhin o igagalang pa rin ang karapatan ni Sen. Dela Rosa.
Bukod sa pananagutan sa batas ng Pilipinas, naniniwala si Justice Secretary Vida na mananagot rin ang mga protektor ni Sen. Bato sa ilalim ng panuntunan ng International Criminal Court.
Giit niya’y ‘valid’ ang inisyung warrant ng International Tribunal kung kaya’y ang sinuman magiging dahilan para ito’y hindi maipatupad ay tiyak umanong may panangutan.
Alinsunod rito’y inihayag ng National Bureau of Investigation na agaran umano nilang aarestuhin si Sen. Bato sa oras na makita na ang mambabatas.
Ito ang naging pagtitiyak ng direktor ng kawanihan na si Atty. Melvin Matibag matapos kasama silang atasan ng Justice Department isagawa ang implementasyon ng warrant.















