-- Advertisements --
Pumanaw na ang actress na si Eileen Fulton sa edad na 91.
Sinabi ng kaniyang kaanak na namayapa ang actress sa bahay nito sa Asheville, North Carolina dahil sa patuloy ng paghina ng katawan.
Nakilala ang actress bilang si Lisa Grimaldi sa sikat na soap opera sa US na “As the World Turns”.
Umabot ng limang dekada ang soap opera na nagtapos noong 2010.
Nag-aral ito ng drama at music sa Greensboro College at lumipat sa New York City noong 1956.
Unang sumabak ito sa pelikulang “Girl of the Night” na ipinalabas noong 1960.