-- Advertisements --
image 220

Nasawi ang isang syam na taong gulang na bata, matapos makuryente sa nahawakan na isang poste ng solar light sa lugar ng Brgy. Asinan, sa bayan ng Bugallon, Pangasinan.

Ayon naman sa naging imbestigasyon ng PNP Bugallon naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang tahanan nang may makasalubong itong kuliglig at gumilid.

Ngunit aksidenteng nahawakan niya ang poste ng solar light. Isang nakalaylay na live wire ng kuryente ang nakadikit sa poste ang kaniyang nahawakan dahilan upang makuryente ang bata.

Matapos naman na subukang na i-revive ang buhay ng bata ay agaran itong dinala sa ospital ngunit sa kasamaang palad ay binawian na agad ito ng buhay.

Labis ang naging paghininagpis ng pamilya sa biglaang pagkamatay nito dahil bibong bata umano si Ivan.

Nakipag ugnayan na rin ang brgy. council sa pamunuan ng electric company upang maayos ang poste at ang nakalaylay na kable nito upang maiwasan pa ang anumang insidente at hindi na magaya pa sa biktima.

Paalala naman ng otoridad na huwag basta-basta hahawak sa mga poste lalo na sa mga nakalaylay na kable.