
Pinag-iingat ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga mga residente sa pagkain ng mga shellfish lalo na sa mga nasa lugar na apektado ng red tide toxin.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nagpositibo kasi sa red tide toxin ang siyam na baybayin sa bansa.
Sa inilabas na abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang sa mga apektado ng red tide ay ang karagatan ng Milagros sa Masbate; coastal waters ng Panay, President Roxas, at Pilar sa Capiz; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Irong-irong, at San Pedro Bay sa Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na mapanganib sa kalusugan ang pagkain ng shellfish na nakukuha sa mga naturang baybayin.
Pero ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ligtas namang kumain ng mga isda, pusit, hipon at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan.
Payo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, hugasan at lutiluin lamang ang mga ito ng mabuti.
Kasunod nito, kinumpirma naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na ligtas na rin mula sa red tide ang Sapian Bay (Ivisan and Sapian) at coastal waters ng Roxas City sa Capiz.










