-- Advertisements --

Pormal nang inanunsiyo ngayon ng Philadelphia 76ers ang nabuong bagong kontrata na pinirmahan ng veteran NBA superstar na si James Harden para manatili sa kanilang koponan.

Bagamat hindi idenitalye ng husto ang mga termino, sinasabing ang kontrata ni Harden ay nagkakahalaga ng $68.6 million para sa loob ng dalawang taon na paglalaro at may player options pagkatapos.

Una nang sinabi ng 10-time All-Star guard at three time scoring champion na handa siyang tumanggap ng mas mababang sweldo basta magkampeon lamang sila at makakuha ng dagdag pang magagaling na players ang Sixers.