-- Advertisements --
Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Mendiola, Manila nitong umaga.
Ginawa ito ng naturang grupo kasabay nang pagbubukas ng school year 2020-2021 at sa World Teachers’ Day.
Bitbit ang kanilang mga placards, binatikos ng grupo ang pag-iwan ng pamahalaan sa maraming mahihirap na mag-aaral sa gitna ng ipinapatupad na blended learning system dahil sa COVID-19 pandemic.
Kahapon, sinabi ni ACT Philippines secretary general Raymond Basilio na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan ang basic needs para sa blended learning tulad na lamang ng printed modules.
Ito ay kahit pa sinabi ng DepEd nitong weekend na handa na sila sa pagbubukas klase at may nakalatag ding contingency measures.