-- Advertisements --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Ire-rekomenda ng Special Investigation Task Group Johnny Walker sa municipal o kayay’ provincial government ang posibilidad na maglaan ng pondo para sa reward money upang mas uusad pa ang imbestigasyon tungo sa ikalulutas ng kasong media killing sa bayan ng Calamba,Misamis Occidental sa Northern Mindanao region.

Ito ngayon ang ikino-konsidera ni Misamis Occidental Police Provincial Office Director P/Col. Dwight Monato,commander ng SITG Johnny Walker para mabilis mahuli ang mga taong responsable pagpaslang sa radio broadcaster na si Juan Jumalon na may-ari ng isang FM radio station sa nabanggit na lugar.

Sinabi ni Monato malaking tulong ang anumang monetary support mula alinman na government agencies na kapwa naglalayon na bigyang hustisya ang walang kalaban-laban na 57 anyos na si Jumalon.

Bagamat nakapagpalabas na ng inisyal computer composite facial sketch ang SITG subalit hindi ito ang mismong suspek na pumasok sa himpilan at binaril-patay ang biktima noong Linggo ng umaga.

Banggit ng opisyal maaring taga-probinsya mismo ang mga salarin o kaya’y mula sa kalapit na mga lugar sa rehiyon dahilan na pinaigting ng SITG ang tracking capability nila sa maaring pinagmulan ng mga ito.