-- Advertisements --
Nanguna si singer-songwriter Raye sa dami ng mga nominasyon sa BRIT Awards.
Mayroon itong kabuuang pitong nominasyon kabilang ang artist of the year at album of the year na “My 21st Century Blues”.
Nominado rin ang 26-anyos na singer sa categories na pop act at R&B act.
Dahil sa pitong nominasyon ay nabasag niya ang may pinakamaraming nominasyon ng isang singer base na rin sa British Phonographic Industry.
Mayroon namag tig-apat na nominasyon ang mga rappers na sina Central Cee at J Hus.