-- Advertisements --
Inakusahan ang singer na si Cher ng pagdukot ng sarili nitong anak.
Ayon sa kasong isinampa ni Marieangela King ang asawa ng anak ng singer na si Elijah Blue na nangyari ang insidente noong nakaraang taon kung saan mayroong apat na lalaki ang pumasok sa kanilang tinutuluyang hotel sa New York noong Nobyembre 2022.
Nasa hotel ang dalawa para pag-usapan ang kanilang tangkang paghihiwalay noong 2021.
Inamin ng isang suspek na pinadukot umano sila ng singer.
Magugunitang ibinunyag ng 47-anyos na si Allman na sapilitan itong pinapagamit ng ina ng droga noong ito ay nasa edad 11 pa lamang.