-- Advertisements --

Binasag na ng singer na si Morissette Amon kaniyang katahimikan sa umanoy mahinang performance nito sa isang corporate event.

Nagbunsod ito sa isang post ng event director na kaniyang dinelete na tila hindi interesado at malamig ang kaniyang performance.

Sinabi ng singer na hindi niya mismo nakilala ang nag-akusa sa kaniya at hindi nito alam kung saan nanggagaling ang galit.

Inamin ng singer bago ang event ay may karamdaman na siya at balak pa sana nitong ikansela ang show subalit kinailangan na ituloy ito.

Kahit na may karamdaman nito ay tinupad pa rin niya ang kaniyang pangako na magperform.