-- Advertisements --
Ibinahagi ni Global pop star Jessie J ang bagong detalye ng kaniyang buhay.
Sa kaniyang social media account ay sinabi nito na siya ngayon ay ‘unemployed’.
Dagdag pa nito na humiwalay na kasi ito sa kaniyang record label na Republic Records.
Paglilinaw naman nito na walang anumang negatibong nangyari o anumang hindi pagkakaintindihan at ang pag-alis ay siyang tamang paraan na kaniyang ginawa.