-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ng singer na si Halle Balley ang larawan ng bagong silang na anak nila ng rapper na nobyo na si DDG.
Sa social media account nito ay ipinakita ang braso ng anak na may suot na bracelet na may nakasulat na pangalang “Halo”.
Nagpost rin ang rapper na si DDG ng larawan kung saan may caption ng labis na kasiyahan niya.
Noong Marso 2022 ng isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon.
Bumuhos naman ng pagbati mula sa kapwa nilang singer at mga celebrities matapos na makita ang larawan ng anak ng dalawa.