-- Advertisements --

Labis ang naramdamang kalungkutan ng singer na si Gigi de Lana matapos na mabiktima ng mga scammers.

Tinangay umano ng mga scammers ang perang nakalaan para pagpapagamot ng ina na may breast cancer.

Sa kaniyang social media ay ibinahagi ng singer ang nangyari sa kaniya kung saan nakatanggap umano ito ng tawag at matapos noon ay naglaho na ang laman ng kaniyang bank account.

Nanawagan na lamang ito sa mga fans na mag-ingat na lamang sa mga scammers at huwag basta maniwala.

Ipinakita rin nito ang mga sugat na kaniyang mga natamo noong maaksidente siya kasama ang ka-banda habang nasa La Union para patunayan sa mga fans na hindi ito nag-iinarte.