-- Advertisements --
201805asia philippines drugwar

ILOILO CITY – Naniniwala ang isa sa lider ng Simbahang Katolika na palabas lang umaho ng Department of Justice (DOJ) ang imbestigasyon sa war on drugs upang hindi na matuloy ang pag-iimbestiga ng International Criminal Court.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Msgr. Meliton Oso, director ng Jaro Archdiocesan Social Action Center (JASAC), sinabi nito na layunin lang ng DOJ na ipakita sa ICC na gumagalaw ang justice system ng Pilipinas.

Kinwestyon ni Msgr. Oso ang DOJ kung bakit ngayon lang ni-review ang mga kaso sa war on drugs kahit na 2016 pa umupo si Pres. Rodrigo Duterte.

Dapat aniya na tuloy-tuloy na ang magiging imbestigasyon ng ICC upang managot ang dapat managot