Inihayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na panalo laban sa mga text scammers ang pagiging ganap na batas ng SIM Registration.
Sinabi rito na hindi lang ito tagumpay ng administrasyon kung kaya ay pinasalamatan niya si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong Marcos Jr. at mga kasamahan nito sa Senado at sa Kamara sa agarang pagpapasa ng batas dahil sa “political will” para maisulong ito.
Ito ay patunay aniya ng kanilang commitment sa pagsusulong ng mga reporma sa bansa.
Samantala, inihayag naman ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na inaasahan nilang mareresolba ng bagong batas ang dumaraming krimen gamit ang mga Subscriber Identity Module (SIM).
Una na ring umapela si Revilla sa National Telecommunications Commission na maging aktibo sa pagresolba sa mga text scam at phishing.
Ang SIM Registration Law ay ang unang batas na napirmahan sa ilalim ng administrasyon ng Pangulong Marcos.
-- Advertisements --