-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inaalam pa ngayon ng otoridad kung ano ang dahilan ng sunog at kabuuang damyos matapos na tinupok ng malaking apoy ang isang resort sa Pantukan, Davao de Oro kagabi.

Nangyari ang insidente sa Magnaga Waters Beach Resort sa nasabing lungsod.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa function hall ng resort.

Agad na kumalat ang apoy at dahil matagal umanong nakaresponde ang mga kabomberohan sa lugar, pahirapan ang pag-apula ng apoy.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

Ang Maglana Waters Beach Resort ang isa sa mga kilala at dinarayo na resort sa Davao de Oro.