-- Advertisements --
Dinumog ng mga Australian Swifties ang Errors Tour ng drag impersonator ni Taylor Swift na si Taylor Sheesh o Mac Coronel sa totoong buhay.
Pagkatapos ng concert nito sa Federation Square sa Melbourne, naimbitahan naman si Coronel sa isang Australian TV show.
Sa isang panayam, sinabi ni Coronel na hindi niya inaasahan ang ganoon karaming tao. Inilarawan niya ang mga Australian Swifties na insane at wild dahil ibinigay umano nito ang kanilang 100% na energy sa simula hanggang pagkatapos ng show.
Sinasabing ang mga pumunta sa show ng Filipino impersonator ay mga fans na hindi nakabili ng ticket sa The Eras Tour concert ni Taylor Swift sa Australia.